Yes, isa akong bipolar, lol (don't take it seriously). It's probably the best word to describe me. Kahit ako naiinis ako sa sarili ko minsan. Madaling magbago ang mood ko. Kung meron nga lang gamot pampugsa dito, nilaklak ko na. Minsan kasi masayahin ako, yung tipong lakas ng trip at nakikipag jamming sa iba. Napakalakas nga ng tawa ko. Abot hanggang langit. haha. Tapos bigla nalang may mga oras na ayaw ko makipag usap kanino man. FEEL ko lang talagang tumahimik. Kaya madalas akong napagkakamalang snob dahil dun. Minsan naman, napakadali kong mairita o mainis sa mga bagay o sitwasyon na nangyayari sa paligid ko. Kya minsan, halata ko naman na karamihan sa mga bago kong nakakasalamuha eh takot mag approach saken gawa ng mukha kung bugnutin. hay ewan! Ba't ba ganito ako?
Simula pa lang to sa mga ise-share ko sa inyung ka weirduhan ng ugali ko. hahaha.. :)
-moodyshy-